SUSPEK SA MASAKER SA BRGY. CAUGBUSAN, GANDARA, SAMAR NAHULI NA!

Matapos ang higit dalawang taon na pagtatago sa mga otoridad, nahuli sa Brgy. Penya, Tinambacan District, Calbayog City, noong ika-uno ng Abril ang suspek sa karumaldumal na masaker sa Brgy. Caugbusan, Gandara, Samar. Kinilala ito na si Jerry Belino Dealagnon alyas "Bonong X" na nagtatago din sa pangalang Michael Bello Belino alyas "Mike". Kasamang na-aresto si Eson Wahingon Diaz dahil naman sa mga kwestiyonableng baril na nasa kustodiya nito. Kasama sa mga narekober kay Dealagnon ay ang kalibre 45 at ibat-ibang pekeng ID.
#PoliceRegionalOffice8

Copyright @ 2018 PNP - Police Regional Office 8
Developed and Maintained by Regional Information Technology Project Office (RITPO), PRO8