Hindi po totoo ang mga balitang kumakalat na magdedeklara ng National Lockdown ang Pangulo. Kalakip din sa mensahe ang Proclamation of Special Session ng Senate at Congress na ginamit upang mas magmukhang “legit” ang sinasabing fake news.

Maging mapanuri tayo sa mga nakikitang mga balita sa social media lalo na kung hindi natin alam kung saan nanggaling ang mga ito.